Intranasal Spray
Ano ang isang Intranasal spray?
Ang intranasal spray ay isang device na may gamot sa loob ng isang pump bottle na may metered valve. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng pagpasok ng spray nozzle sa ilong.
Ang paggamit ng topical nasal corticosteroid spray ay kinikilala bilang mabisa at pangunahing paraan ng panggagamot upang makontrol ang mga sintomas ng allergic rhinitis. Kinakailangan na patuloy ang paggamit nito depende sa rekomendasyon ng doktor upang maiwasan ang paglala ng mga sintomas at komplikasyon dulot ng allergic rhinitis.
Parts
Wastong Paggamit ng Intranasal Spray
Bago gamitin
- Alugin ang bote ng ilang beses at tanggalin ang safety guard at takip.
- Hawakan ang nozzle gamit ang hintuturo at hinlalato, habang ang hinlalaki ay nasa ilalim naman ng bote.
- Bago ang unang gamit o kung ang produkto ay hindi nagamit ng ilang araw, subukan muna ang spray. Habang ang nozzle ay nakaturo palayo sa iyo, pindutin ang nasal applicator ng makailang beses hanggang sa may mist na lumabas.
Paggamit ng spray
- Marahang suminga upang malinis ang ilong kung may dumi o naka bara.
- Tumungo ng kaunti at takpan ang isang butas ng ilong. Habang ang bote ay nakatayo, ipasok ng maingat ang tip ng nozzle o nasal applicator sa butas ng ilong. Gamitin ang kanang kamay sa pag-spray ng kaliwang butas at kaliwang kamay sa pag-spray ng kanang butas ng ilong.
- Pindutin ang puting kwelyo pababa para mag-spray. Paalala, marahan na pagsinghot lamang para hindi lumampas sa ilong ang gamot at mapunta sa lalamunan. Iwasan mabugahan ng mist ang mga mata.
- Huminga palabas gamit ang bibig. Iwasan muna suminga matapos ang spray para hindi matanggal ang gamot.
- Ulitin ang ika-5 hanggang ika-7 hakbang para sa kabilang butas ng ilong.
- Kung kailangan ng pangalawang spray, ulitin lamang ang ika-5 hanggang ika-7 hakbang sa dalawang butas ng ilong.
Matapos gamitin
- Punasan ang nasal applicator gamit ang malinis na tisyu, at takpan muli.
- Magmumog ng tubig pagtapos mag spray. Huwag lunukin ang tubig.